Huwebes, Hunyo 7, 2012

Huling Hirit sa Tag-Init - 2012 Summer Escapade


I read so many negative reviews about Aguila’s Beach Resort located in Anilao, Batangas kesyo madumi, masikip yung rooms, halos lahat may bayad. Pero dahil sabik kami sa alon ng dagat haha pinatulan pa rin namin ang Aguila. Hehe actually we tried to inquire in different resorts, unfortunately lahat ay fully booked. Ayun no choice kami and syempre sa site ng Aguila mukhang ok naman and they offered long hours halos 12 to 15 hours ata for over night stay. Sinabi na lang din namin sa mga friends namin na kaya naman naming mag enjoy kahit di maganda yung resort basta magkakasama kami.

Officemates na friends yung mga kasama together with their partners, sabi namin birthday celebration na rin yun para sa apat na celebrants of May, kakatuwa pa nga para magaan gaan sa bulsa every payday nag huhulog hulog kami hanggang sa mabuo namin yung budget na naiset namin. Almost one month advance ang planning and preparation, hanggang sa dumating na yung pinakahihintay naming araw, sabi nga ni Meg, “sa hinaba haba ng diskusyunan ito at tuloy na tuloy na".

May 19, 2012 may pasok pa kami ni Meg pero sobrang excited na kami, at nakuha ko pa talagang magkulot ha, haha.. 


Look at George narerecharge, haha :-)




12:00nn yehey out na namin ni Meg ayun dali dali talaga kaming lumabas para makita na rin yung ibang kasama namin. Medyo nag antayan hanggang sa dumating na lahat at ready to go na kami.Yeah! Excited much :-)
Thanks Kuya Bolits (Manong Guard)..

Next stop, Jollibee Buendia para kumain at para puntahan na rin si Mac and Merry Ann (woot woot mamimeet na namin si Ann ang friend kuno ni Mac) at hintayin si Friend na Duke..
Nyek! wala naman si Mac and Ann sa picture. haha.

Naghiwalay hiwalay kami saglit, kami ni boyfie don sa Goldilocks para sa mga celebrants sila Earl and George para bumili ng water at yung mga girls stay lang sa Jollibee para hintayin si Duke. 
At talagang pinagkasya namin yung mga names namin..
Hanggang sa nakumpleto na ang lahat at ayun sumakay na kami ng bus. Sabi ni George sa Ceres Bus daw kami sasakay huhu pero hindi naman don, never heard yung bus na nasakyan namin haha. Pero ok na rin makarating lang ng Batangas. haha..

Ang haba ng byahe mali yung nasakyan namin, hindi "derecho" umikot ikot pa. haha. Iba talaga pag excited namamali mali, diba George. Haha.. Kung hindi ako nagkakamali inabot ata kami ng 3 o 4 na oras sa bus, hanggang sa finally Batangas Grand Terminal na, lumipat lang ng jeep ayun another long drive ulit.
Ang cute noh sakto, kulang lang si Meg and Duke, nasa tapat kasi sila..

Around 6pm na kami nang makarating sa resort, natawa na lang ako, naalala ko kasi yung mga nabasa ko sa mga blog. Parang tama sila, haha. Pero syempre nandon na ako kaya go na lang..

We reserved two rooms so sad hindi magkatabi yung room pero keri lang ilang kembot lang nasa isang room na kami, we decided na sa isang room (good for 5) don yung mga gamit and sa isang room (good for 4) don yung mga pagkain dahil mas peaceful don hindi tulad sa kabilang room na may mga strangers na epal, haha. At dahil isa ako sa room na good for 5 pagkalapag ng damit eh lumipat na rin kami agad sa kabilang room para kumain dahil gutom na ang lahat. At syempre para makita na rin ng mga celebrants yung effort namin.
Happy Birthday Day Earl, Mac, Duke and Geo!!!

After kumain at magpakabusog syempre hindi kami papahuli sa picture picture, thanks to tripod and timer meron tuloy kaming group pictures.


Hanggang sa nagkaayayaan ng mag swimming, thanks to tripod and timer again.



Ang sarap ng feeling na halos kami lang ang laman ng pool, todo langoy, kwentuhan at tawanan tuloy ang nagawa namin. Kaya lang 10:00pm pinaahon na kami pero ok lang mukhang nasulit naman namin eh. Ayun sa cottage inuman lang, kwentuhan, yung iba naglalaro ng cards. Yung iba din samin pumunta ng beach pero di rin kami nagtagal dahil gabi na halos wala na kaming makita. At dahil anong oras na, dinalaw na kami ng antok kaya ayun kanya kanya na kaming ayos at pwesto sa pagtulog. Sa room namin presko at talagang nakatulog ako ng maayos, ewan ko lang sa kabilang room, pero mukha naman. haha.

May 20, 2012 Good Morning Aguila Beach Resort, 5:00am kinulit ko na si boyfie na bumangon na kami at maabutan namin ang sunrise at nang makapag picture picture. Konting hilamos at toothbrush lang lumabas na agad kami ng room at hawak ko talaga ang camera, so sad diko matanaw ang pag sikat ng araw pero syempre nagpicture picture parin.

Diko inaasahang ganyan yung pinto parang sa picture site kasi ng Aguila ang ganda ganda haha..


Nakipicture lang sa ibang room. haha

 Papunta namin sa kabilang room haha tulog pa sila binalabog namin sila para lahat ay magising na at makapag breakfast na ng sabay sabay. Pero sa pagod at antok matagal tagal pa nung bumangon sila. Sa gutom namin nauna na kaming magbreakfast at agad agad kaming pumunta sa beach. Sayang sa oras.



Matagal tagal din kami sa beach pano kasi nakakainis yung resort, morning sabihin daw bang we're not allowed to enter that area to swim, gulat gulatan kami bat kagabi todo langoy pa kami don. Need daw naming magbayad kung gusto namin mag swimming sa pool. Hay Aguila Beach Resort talaga nga naman.

Around 11am isa isa na kaming nag ayos para fresh na pag nag lunch. At nung ok na ang lahat ito sama sama na kami para sa free lunch namin.






After lunch, nag ayos na kami ng mga gamit para umuwi na at may pasok pa bukas. Hehe




 
Souvenir
Babye AGUILA BEACH RESORT!
Maganda sana yung AGUILA BEACH RESORT siguro kailangan lang nilang irenovate ng onti para mas lalong umayos at gumanda pa.








Talagang HULING HIRIT SA TAG-INIT pano on our way to Manila ayun at bumabagyo, kaya sobrang lamig sa bus buti na lang may WIFI at cute nung movie, My Amnesia Girl. Hehe.

Tingin ko naman naging masaya ang lahat, hindi man ganon kaganda yung resort na napuntahan namin, naramdaman ko naman naging ok lahat, nakapag bonding talaga kami. At tingin ko rin mauulit pa ang labas namin na 'to. I had fun, thank you so much guys and Happy Birthday.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento