Huwebes, Mayo 24, 2012

Advance 1st Anniversary Celebration at Baguio City

January 21, Saturday night hindi man kami nakakuha ng ticket sa iniexpect naming time, naging ok pa rin naman ang byahe kahit na almost 4 hours kami sa Victory Cubao Terminal, hindi pa rin mapapantayan yung excitement na nararamdaman namin that time. Tulog, nood sa LCD, soundtrip sa ipod, picture picture sa terminal hanggang sa dumating na bus para sa byahe namin. Sa bus sobrang mararamdaman mo yung excitement, maya’t maya tinitignan sa map sa ipod kung saang lugar na kami, picture picture then finally Sunday at 8am kami dumating sa Baguio buti na lang naabutan namin agad yung English mass sa Baguio Cathedral. 

Ayun after an hour hinanap na naming agad yung Hotel Veniz habang naglalakad kami ganon na lang ngiti sa mukha ko, sobrang natutuwa kasi ako dahil first time naming sa Baguio at first time naming nag out of town na dalawa lang kami. Konting lakad nakita na namin agad yung Hotel Veniz at totoo nga, it is located in the heart of Baguio. Hindi man kami nakapag early check in, good thing na pinayagan naman kaming mag-iwan ng gamit namin. Kaya ayun ready na kaming maglibot ng walang mabigat na bitbit. Uso sa Baguio ang taxi, pag sakay namin sabi namin kay manong driver sa Mines View Park, on our way biglang nagtext yung friend ni boyfriend na sana Camp John hay daw muna inuna namin kaya ayun sinabi agad namin kay manong driver buti na lang daw nasa gitna pa lang kami kaya naging madali lang kay manong driver.  Una naming pinuntahan, Camp John Hay to meet his long lost friend - Victor na mabait at nilibre nya ang daddy para magbaril barilan, actually free din sana zip line gusto ko sana kaya lang ayaw ni boyfriend kaya ayun bigla akong natakot kaya ayaw ko na rin. Haha. Wala naman masyadong magagawa sa Camp John Hay nag picture picture lang. Kaya lumipat na rin kami agad sa next attraction so taxi ulit kami, Mines View Park, akyat kami sa Cordillera World na donation lang entrance fee haha at ang mga taong nakapang Igorot na may mga accent at mga mistoso haha, kakatuwa pa mga tinda nila haha picture picture lang kami don sinulit lang namin idinonate namin hehe. 



Nagtingin tingin ng souvenir items sa tapat, past 12nn nang maisipan naming kumain ng lunch sa gilid gilid, ok naman ang food and it’s cheap syempre. Sa takot naming mag kulang ang oras namin kaya ayun right after kumain next attraction na agad kami, sumakay kami ng jeep sa gilid ng Cordillera World para pumunta ng The Mansion, pero di pa man nakakalayo bumaba kami agad dahil nakita namin yung Good Shepherd bigla kong naalala yung sabi ng kaofficemate ko na don ang bilihan ng pasalubong. Hindi kami nanghinayang sa mimimum fare na nawala samin kesa naman bukas sadyain pa namin to bukas mas mapapamahal lang sa pamasahe. Tulad ng iba pumili rin kami sa kahaba habang pili sa Good Shepherd para sa pasalubong, talaga pa lang dinadayo to ng mga tao box box pa kung bumili ang mga tao, may kamahalan pero sigurado kang may laman hanggang lood hindi tulad nung mga tinda sa labas na puno yung garapon sa labas pero sa lood walang laman masyado. Pag sakay ng jeep this time totoo na talaga next stop, The Mansion tamang picture picture lang din tas dumirecho na agad sa Wright Park, na katapat lang naman ng The Mansion, here where he tried the strawberry taho at akala ko walang magagawa dito akala ko puro puno lang hehe sa baba pala nandon yung pinagkakaguluhan nilang mga kabayo, ang daddy sumakay at nagpapicture pa, tas nag suot din kami ng Igorot costume ang bait pa ni ate sya pa nagpicture samin. 




At itinuro nya pa samin yung way papuntang Botanical Garden para sa mga totoong Igorot. Konting lakad natuntun na naming yung Botanical Garden na may totoong Igorot. Minsan mahirap din yung dalawa lang kayo ng partner mo gagala walang magpipicture, pero sabi ni lolang Igorot sya daw mag pipicture samin pero naku mukhang di nya alam pano magpindot ng camera pero sadyang may mga taong mababait at nakakaintindi sa situation, may isang lalaki na nag offer na pictureran kami together with the Igorots so kinuha nya kay lola yung camera namin para pictureran kami at we’re very thankful sa mga taong ganon. Sabi nila P10 per Igorot actually isa or dalawa lang gusto namin even si kuya na nag picture sinasabi nyang dalawa lang pipictureran pero limang Igorot yung sumama sa picture so okay lang naman samin what is P50 diba, pero ito na nung magbabayad na si boyfriend haha imbes na P50 lang naging P100 ang naibayad kasi nagdrama na ang mga lola well nakakaawa naman talaga sila kaya okay narin kay boyfriend alam nyang makakatulong yun para sa kanila. At minsan lang naman yun kaya ayun bukal sa loob na nagbayad ng P100. Moving on, akala ko yung tinutukoy nilang Botanical Garden ayun lang yun, yung may nakasulat lang na Botanical Gardens sa pader haha ayun lang kasi nakikita ko sa mga pictures ng mga nagpunta na ng Baguio haha. Pero lakad lakad ng onti may malawak na garden pala haha nakakahiya man pero ayun talaga yung akala ko. Wala naman masyadong kakaiba sa loob picture picture lang and nirerenovate yung garden eh.


Kaya maaga din kaming natapos at dahil Friday afternoon pa kami naligo at halos 24hrs na kaya nakakaramdam na kami ng pagkalagkit at halos lahat na ata ng dumi dumikit na samin we decided to go back to our hotel. 4pm nung magcheck in kami, ok naman yung hotel malinis at maayos, electronic door lock, may tv, ref, aircon at syempre sariling cr. Tamang pahinga, naligo at nagcharge ng camera hanggang sa 6pm lumabas kami para maglibot libot para maexperience ang night life sa baguio at para mag dinner na rin. San ka pa, ang tapang ko mini short talaga ang ginamit ko. Haha kaya ayun habang naglalakad nagkakamot ng hita, sobrang itchy maybe sa hangin. Kung saan saan kami naglakad kung saan saan lumusot imbes na shortcut haha lalong lumayo pa, picture picture sa People’s Park at hindi pa sila nakakaget over sa Christmas at New Year haha..


Hanggang sa ginutom kami so we stopped at SM Baguio, hanap kami ng resto Gerry’s Grill first choice naming pero no space for us so sa katapat kami sa Dencio’s and I told Philip na minsan lang tayo sa Baguio so sulitin na namin so instead na sa loob kami ng resto kumain don kami sa labas, tanaw ang Baguio sobrang lamig pero masarap. That’s why we ordered for mainit na Sinigang na tiyan ng Bangus, Crispy Sisig, 4 rice, mango shake for me and green mango for him. At dahil nga sa labas kaming table na may umbrella lang what they can provide us was just an ordinary candle in an ordinary glass pero syempre we took it in a positive way na sweet, it’s dinner with candlelight, maya maya saktong tanaw naming ang fireworks display haha, I told my facebook friends nga na dinner with candlelight + fireworks display + my boyfriend = kilig me J that dinner date at Baguio was really irreplaceable. Sobrang sweet, sorbang saya in short the best. At dahil magsasara na ang Dencio’s haha umalis na rin kami agad para bumalik sa hotel at dahil malapit lang syempre nilakad lang naming, dumaan saglit sa 7 eleven for my mineral water, habang naglalakad I told Philip na ang sarap ng feeling dito sa Baguio para kaming nasa ibang bansa kasi napaka busy ng tao sa gabi ang daming naglalakad tas the fact na yung mga establishments hindi familiar kaya ayun feel na feel kong nasa ibang bansa ako haha. Pag balik naming ng hotel malapit na mag start yung wagwagan na ilang steps lang from the hotel. Sabi namin pahinga kami saglit tas punta kaming wagwagan kaya lang dala ng pagod sa buong maghapon ayun nakatulog kami, so sad hindi namin naexperience wagwagan.  


January 23, Kung Hei Fat Choi Baguio, 5am gising na kami para magprepare punta kami Grotto Lourdes, grabe sobrang lamig sa labas, sa taxi nakakanginig sa lamig. Sa sobrang aga naming second batch kami sa pumunta don. Bago tuluyang umakyat nag taho muna ako para sa malamig na umaga. Habang inaakyat naming ayun picture picture until we reached the Grotto of Lourdes, after we prayed together tuloy na kami sa kakapicture. Maliwanag na nung bumaba kami, while waiting for the taxi ayun napabili ba ako ng pasalubong slippers for Iyah my niece and wallet for mama. 



Next stop, Burnham park there I saw the Swan shaped boat, haha natatandaan ko pa nung nasa Manila kami weeks before nang alis naming, I told him na “alimutan na naming lahat wag lang yung swan shaped boat, pag nakasakay ako don buo na Baguio trip ko”, haha kaya ayun nung nakita ko para akong batang tuwang tuwa. Kaya lang sa sobrang aga namin hindi pa bukas yung sa swan pero yung ibang style na boat open na sabi k okay boyfriend I’m willing to wait just for the swan shaped boat. Ayun naglakad lakad muna kami sa sobrang lamig makikita mo talaga sa pag sasalita hindi nga lang makuhaan ng cam haha. Nag ikot ikot muna kami, picture picture hanggang sa nakita namin yung biking area nag katuwaan na magrent kami ng bike pero haha sad sya kasi alam naman nyang di ako marunong non kaya ayun disappointed sya na di namin magagawa yung mala endless love scene na biking while holding hands. Pero dahil maaga pa nag rent pa rin kami ng bike haha syempre with side car haha. Kakatuwa din mga tao nagkakaintindi sila sa mga situation tulad na lang samin minsan sila pa nag ooffer na pictureran kami haha. P40 ata yun unlimited hours kasi maaga pa, nakailang ikot din kami at pictures hanggang sa matanaw naming open na yung swan ayun tumigil na kaming mag bike nag mamadali pa kaming makapunta sa rentahan ng swan sa aga namin nililinis pa haha. P120 for the big swan boat at dahil morning pa ala pa masyadong customer unlimited hours pa then finally nakasakay na kami tuwang tuwa ako, picture picture kami. May nakakatuwang experience pa while riding at the swan boat, may couple din kasing nagrent nag boat then I told Philip na sabihin nyang magpalitan kami ng camera tas pictureran kami. Nung malapit na yung boat at nung sasabihin na ni boyfriend bigla akong nahiya kaya pinigilan ko sya. Haha ilang ikot pa maya’t maya magkalapit na ulit yung boat namin don sa couple until hindi sila nakatiis sila na nagsabi na magpictureran daw kami, haha natawa na lang ako kasi parehas pala kami ng naiisip ayun pumayag din naman kami, palitan kami ng camera tas picture picture na hanggang sa tinamad na kami ni boyfriend we decided to stop na.




Nag lakad lakad kami hanggang sa matapat kami sa small J.Rizal Park tamang picture picture lang. Umalis na din kami agad para bumalik sa hotel for our free breakfast, medyo gutom na rin kami eh. Ayun dumerecho kami agad sa Veniz Grill for our free breakfast actually nagulat kami because we’re both expecting that time for a simple free hotel breakfast like sandwich which is usual but it’s not at Hotel Veniz what they offered during our time was Mongolian Buffet. Dami ko ngang nakain haha syempre sinulit namin hahaha, sarap eh pinoy na pinoy yung dating. After our breakfast we decided na bumalik na ng room para mag ayos at mag early check out para makauwi na dahil sa tingin namin nasulit na rin naman namin yung Baguio. Nag ayos ng sarili at nagpicture picture sa room for the last time at nag check out narin at 11am



Dumaan muna kami saglit sa SM Baguio para magtake out ng food para sa bus na lang kumain, haha pag dating namin ng Victory Liner Baguio Terminal napaka haba ng pila pauwi ng Manila, ang inabutan namin time 10:50pm na, we have no choice haha kaya ayun natawa na lang kami at naawa sa sarili namin. Kung alam lang namin hindi na kami nagmadali sa mga attractions haha. Pero hindi na kami nanghinayang at nagsisihan nag enjoy naman kami eh. Haha. nag isip na lang kami kung ano gagawin namin sa almost 11 hours. Salamat na lang sa SM Baguio at may natambayan kami haha nanood na lang din kami ng Dragon Dance at nag dinner sa Steaks and Toppings sarap and busog much. Around 9pm bumalik na kami ng terminal para don na lang mag hintay, tamang pahinga lang din. Hanggang sa dumating yung oras ng alis namin, di pa man gaanong nakakalayo yung bus, sa zig zag road biglang nasiraan yung bus, thank God we’re all safe. Dumating naman din agad yung kapalit at naging maayos na ang byahe namin. January 24, Tuesday around 5am nakarating kami ng Manila at dumerecho sa bahay para ihatid din ako ni boyfriend, hindi na rin kami pumasok sa office para tuluyang magkapahinga.







            Isa lang ang masasabi ko sa advance Anniversary Celebration naming, THE BEST! We had fun at Baguio, napakagandang experience, unforgettable. Thanks to my boyfriend, more years to come! CHEERS!!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento