July
10, 2012, Tuesday, quarter to 3:00am pababa na kami ng Hotel pero siyempre
hindi mawawala ang picture pictures. Kakatuwa hindi talaga kami dinidisappoint
ng mga staff ng Hotel ready na agad yung taxi at dahil thru Agoda naman yung
pagbobook namin nitong Hotel hindi na kami agad nagtagal sa pagsesettle with
the receptionist.
Sumakay
na kami ng taxi, at dahil napaka aga namin sa daan ang bilis ng byahe namin at
naka P170.00 lang kami. Dumiretso na kami sa loob to pay for our terminal fee
P200.00 each. At ganon pala yun pag may dried fish automatic na ichecheck in
ang gamit. Natatawa pa ako kay Philip nagpakahirap pa siya kagabi na
pagkasyahin sa dala naming bags yung mga pasalubong para daw hand carry lang haha
ayun automatic check in pala P448.00 din yun. At dahil first time ko hindi agad
nagfunction ang brain ko para mag isip. Sana pala kay Philip plus the dried
fish na lang yung pinacheck in namin. Or sana ginamit ko yung small bag ko para
malagay namin yung mga phones namin. Haha sorry naman sa pag mamadali nabigay
ko lahat ng gamit ko, ang hawak ko lang yung ipod ko and my money. Pero ok
narin at least walang bitbit haha. Tagal
pa flight namin kaya nakatulog pa kami sa waiting area. Pero
maya maya ay sumakay narin kami and finally tama na yung seat na napili yehey
window side ako hehe.
Napag
usapan din namin na ipapatry sakin ni Philip yung food sa airplane kaya ayun we
ate our breakfast at the plane P280.00 for two. Tinupad din niya yung promise
niyang bibilhan niya ako ng souvenir sa Cebu Pacific dahil first time, hehe
binili niya yung gusto kong airplane yung design na stuff toy worth P280.00. I
am a happy little girl.
Umaga
na kaya maliwanag na kaya tanaw na tanaw ko na yung mga clouds hehe kakatuwa. Pagkababa
namin dumiretso na kami agad para sa bags namin. Haha nahiwalay yung akin and
infairness ang dumi ha.
| Babye CEBU :( |
Agad
agad narin kaming lumabas ng airport dahil kailangan naming makapunta ng maaga
sa office dahil may pasok pa kami. Buti maaga nga kaming nakarating naka
P100.00 lang kami sa taxi papuntang office. Kahit ayaw pa namin back to normal
na ang lahat, back to reality, back to work and back to stressful Manila. This
is life we need to work hard but sometimes we need to pamper ourselves too.
Thanks sweetie for a wonderful 23rd
birthday celebration. I really had fun. Thanks Cebu and Bohol. Awesome experience. There is so called There is always a first time.. :)
Dahil nagtitipid kami, expenses
of the day (for two):
Description
|
Amount
|
Taxi to Airport
|
170.00
|
Terminal Fee
|
400.00
|
Baggage Check-in Fee
|
448.00
|
Breakfast (Cebu Pacific)
|
280.00
|
Souvenir (Cebu Pacific)
|
280.00
|
Taxi to Office, Makati City
|
100.00
|
Total
Expenses – Day 4
Expenses (Day 1 to 4) Hotel (3 nights) Total Expenses for the Cebu-Bohol Tour |
1,678.00
13,138.00 3,000.00 16,138.00 |




