July 8, 2012, Sunday, Good morning Cebu, takot lang namin na hindi makakuha ng ticket para sa first schedule sa MV Starcraft kaya ganito kaaga gising na kami para mag ayos. Exactly 4:00am nasa lobby na kami ng hotel at nandon na naghihintay yung taxi na kinuha ni manong guard. Wala pa atang 10mins nasa Pier 1 na kami, ang aga talaga namin kami ata unang pasahero, sarado pa mga ticketing booth. Buti na lang may mabait na tindero ng otap na nagturo samin kung saan makakabili ng ticket ng MV Starcraft hindi na kami nahirapan na hanapin tulad ng nababasa namin sa mga blogs, sa tuwa nga namin I told Philip na bigyan ng tip si kuya, ayaw nya syempreng tanggapin bilhin ko na lang daw yung tinda nya, hehe pero pinilit namin kaya ayun tinanggap din nya. Sa aga namin sarado pa kaya naglibot libot muna kami, nagpray muna kami sa katabing chapel.
Kinain na rin namin yung bitbit naming burgers at dahil maaga pa rin naglakad lakad pa kami hanggang sa napadpad kami sa katabing park "Plaza Independencia" na isa sa pupuntahan namin next day for our Cebu day tour. Konting picture picture at dahil umambon ng onti naisipan na naming bumalik sa pier para icheck kung bukas na at ayun nga itinuro samin na pwede ng bumili. Natuwa ako nung nakakuha na kami ng ticket, sure na kami na maaga kaming makakarating ng Bohol.
Sobrang nakakaexcite kasi first time ko ulit na sumakay ng ferry, marami akong naiisip pero ayokong sirain ang araw ko at takutin ang sarili ko kaya ayun tinuon ko na lang sa pagpipicture picture, nakatulog pa nga kami sa loob ng 1hour na paglalayag. Halos lahat ata kaming pasahero nakatulog, pag gising na lang namin, welcome to Bohol. Welcome to Tubigon Port, sa gate pa lang nakita na namin si Mang Roger our driver for the day with Vios Black plate no. GXR804. Malayo pa lang sure na kami yung sasakyang na yun ang magdadala sa amin sa magagandang tanawin sa Bohol. Laki ng ngiti ni Mang Roger samin ramdam din nya sigurong kami na yung nag pabook sa kanya.
| Ang sweet may gift pa si Mang Roger sa amin :-) |
First destination, SAGBAYAN PEAK, entrance fee P30.00 each. Anong meron sa dito? May mga life-size cartoon characters, meron din kidstown pero ang pinaka pinupuntahan dito yung top view na may mga chocolate hills pero according to Mang Roger hindi pa daw yun ang chocolate hills iba pa daw. Magpicture picture muna daw kami habang hinihintay namin na mag 8:30am para bukas na yung sa tarsier.
8:30am bumaba na rin kami saktong nagtext na si Mang Roger na bukas na daw. Pagbaba namin may pila na para makapasok sa maliit na garden kung saan nandon yung mga Tarsiers, priority kami kaya kahit mahaba pila nauna pa rin kami, lakas ni Mang Roger eh. Saglit lang kami sa loob nagpicture picture lang, tas nagbigay lang kami ng donation. Tas umalis na rin kami agad.
Next destination, CHOCOLATE HILLS. Medyo malayo yung Sagbayan sa Carmen mga 30minutes ang byahe. While on our way, biglang napakwento si Mang Roger na yung pinasukan namin na may tarsier hindi pa daw yun ang Tarsier Sanctuary pero mas ok daw don sa napuntahan namin kasi mahahawakan talaga ang tarsier unlike sa sanctuary madaming tarsier pero malayo sayo, swerte na lang kung bumaba sila sayo at papictureran mo. Kaya ok na rin kami na kahit dalawang picture lang atleast very close to the tarsier. After 30minutes nasa bayan na kami ng Carmen malapit na daw, biglang may pinakitang pictures si Mang Roger na ang backgroud ay chocolate hills, kung gusto daw namin magpapicture ng ganon. Actually hindi pa kami makapagdecide ang sabi namin pag nandon na lang kami pag nakita na namin.
Pagkabayad namin ng entrance fee P50.00 each, marami ng nag-aalok lalo na nung pictures, sabi namin kay Mang Roger later na ang pagbalik pero sabi nya ngayon na daw para dire-direcho na kami, go naman kami. Magaling yung photographer infairness kung makautos sa project panalo, haha. Ang daming shots siguro nasa 30 yun pero pinili lang namin ay 3 ang mahal kasi P100.00 per picture.
Binaba lang kami ni Mang Roger bawal daw kasi yung sasakyan sa taas ipatawag na lang daw namin siya kung tapos na kami. Biglang ulan nga buti na lang ready kami sa payong kung wala man may ready din naman si Mang Roger, hehe. According to Mang Roger 214 steps yung aakyatin namin para makita ang ganda ng chocolate hills. Buti nakisama ang ulan kasi pag akyat namin sa tuktok tumigil na. Pero buti na lang din umulan kasi nakita namin yung color chocolate nung hills. Kasi diba pag maaraw ordinary brown lang yung color nya. Picture picture lang kami sa taas, nakakatuwa ang sarap sa feeling na dati sa postcard o libro ko lang nakikita pero ngayon haha ito na nasa harapan ko na. Ang saya grabe :-)
Entrance fee for the Shiphaus P30.00 each, OMG! ang bait nung guy na nagtratrabaho don hiniram nya camera ko siya na daw bahala sa amin. Itutour niya dami kami sa bahay tas pipictureran nya daw kami, oh diba? Thank you Lord sa mga mababait na taong tulad ni kuya. Syempre dahil mabait kami binigyan na lang namin sya ng tip pero dahil pulubi kami syempre maliit lang, hehe pero atlest. Nung paexit na kami, sabi pa ni kuya sayang daw at hindi namin naabutan yung may-ari nagsimba daw eh. At sayang din daw nalimutan niyang pictureran kami na mala Rose&Jack sa terrace pero ok lang samin, enough na yung dami ng shots na nagawa niya. Haha hindi rin kami nakaligtas sa official photographer nila pero ok lang P50.00 lang naman. Swerte namin kasi 1st year Anniversary nila simula nung lumabas sila sa Rated K. Thanks to Mang Roger na kahit wala sa itineray dinaanniya pa rin kami. Bait niya talaga.
Next, Man-Made Forest huminto lang si Mang Roger at tinabi lang sa gilid yung car para pictureran kami. Hehe, may instant photograher kami. All in one si Mang Roger -driver, tour guide and photographer. Minsan blurred nga lang hehe.
Kalapit lang ang Hanging Bridge with entrance fee of P20.00 each. Tibay ng kawayan at nakaya kami ni boyfie, haha. Thanks to Mang Roger for the excellent shots. Hehe.
On our way to Loboc, binaba kami ni Mang Roger saglit para tignan kung gusto namin itry yung zipline and cable car, gustong gusto kong itry yung cable car pero ayaw ni Philip ang pangit namin kung mag isa lang ako. Kaya sabi namin kay Mang Roger tara na! Hehe pero imagine kung naitry namin yun sulit na naman kasi tulad ng Shiphaus wala naman din sa itinerary yun eh. Kudos Mang Roger.
11:30am na sa Loboc na kami, undecided pa kung anong float ang pipiliin namin buti na lang andyan si Mang Roger para tulungan kami. Long River Cruise yung pinili namin P300.00 each for the eat all you can lunch plus P100.00 for the entrance fee. Si boyfie nag enjoy sa foods ako hindi haha. Pero ok lang hindi naman yun ang habol ko syempre yung experience. Haha.

Mga 1:00pm din natapos, tas dumiretso din kami agad sa Butterfly Garden, entrance fee P40.00. Haha ang galing din ni ate, galing niya magturo about the butterflies at siya din ang naging photographer namin. Bait ng mga tao hindi na kami nahirapan na magpictureran sila na mismo nagpriprisinta. Bait bait nila :-)
Next stop, Xzootic Animals with entrance fee of P20.00. Sabi sa ipinasang itinerary Xzzootic Animals or Python Snake pero dalawa pinuntahan namin. Hehe. Kakatakot ang lahat na nandon buti na lang si boyfie so brave. Nagbigay na lang din kami ng donation para kay Python, kahit takot na takot ako.
Next destination, Baclayon Church, considered as one of the oldest church in the Philippines. Nagpray kami saglit ni Philip and Mang Roger tas ayun nagpicture picture na. Katabi lang niya yung Baclayon Museum with entrance fee of P50.00 each, bawal picture sa loob eh.
Dinaan din kami ni Mang Roger sa Aproniana Souvenir Shop, actually dito kami nagtagal, gusto kasi namin ng T-Shirt na same style medyo nakakainis lang yung mga tao don hindi marunong mag assist kaya kami natagalan. Para lang makabili kami ang ginawa ko same size kay boyfriend. Wala kasing blouse ng gusto naming design eh. Muntik na nga kaming mag-away dahil lang sa wala kaming mapiling pareho eh. Buti na lang my nabili na kami, nagtaka din siguro si Mang Roger bat antagal namin. Hehe.
Along the way is the Blood Compact nakakatuwa ayun lang pala yun. As in ayan lang yun.
Last stop, Hinagdanan Cave entrance fee is P15.00 each plus parking fee of another P15.00. Too bad kasi nagloloko ang camera sa ilalim. Hindi ko tuloy napictureran yung ganda ng cave. Maliit lang pero ang ganda mala underground river ng Palawan ang peg. Haha.
Mang Roger asked kung napuntahan na daw ba ang lahat na nakalagay sa itinerary sabi namin may isa pa yung mall pero ayaw na namin pumunta, mall lang naman yun eh. Kaya sabi namin ok na kami sulit na lahat, kaya ayun from Tagbilaran ibabalik na niya kami sa Tubigon Port para mahabol namin yung 5:00pm na schedule ng MV Starcraft going to Cebu. malayo layo din yung byahe nakakatulog na nga kami ni boyfriend. Pag gising tinuturo ni Mang Roger yung papuntang Island na mala pinagmamalaki ng Bohol na mala Boracay ang peg, sabi na lang namin next time pag balik namin mas mahaba na para hindi lang day tour para may time kaming makapag beach. Kahit na si Philip alam kong talon na talon na. After an hour nasa ticketing booth na kami and OMG ang haba ng pila, pumila si Philip pero ako sumunod ako kay Mang Roger, ang galing ni Mang Roger dahil kilala siya priority na naman kami. Si Mang Roger ang kumuha ng ticket para sa amin, hindi rin siya pumila nagsabi lang siya sa counter, nanghingi lang siya ng pera sa akin. So sad lang hindi namin naabutan yung 5:00pm na schedule sa 7:45pm na kami umabot. Pero ok na rin kesa hindi agad makabalik ng Cebu. Hinatid na kami ni Mang Roger sa terminal, binayaran na rin naman siya sa tour at binigyan ng konting tip. Thanks Mang Roger, we really had fun.
Matagal kaming maghihintay pero wala kaming magagawa, nanood na lang kami ng movie sa phone, nagmusic din kami at naglaro gamit ipod. Maya maya pumila na kami para makapasok sa ferry and nakakagulat kasi hindi ito tulad nung umaga, mas malaki ngayon, ang dami kasing pasahero na gustong humabol sa last schedule.
Hindi nasunod yung time na 7:45pm ang alis, mga 8:10pm na umalis. Nakakatulog ako pero biglang hindi na ok yung feeling ko nung nakita kong umuulan na may kasamang kulog at kidlat, nakakatakot kasi na ferry kami at alam kong nasa gitna kami ng dagat. Wala akong magawa kung hindi magdasal and thank God we're all safe. Ang lakas ng ulan sa Cebu nabasa yung pants ko sa lakas. Hindi pa kami agad makalabas ng port, hinihintay namin tumigil yung ulan. Nagstay pa kami ng onti, nung tumigil naglakad na kami bandang labas para makahanap na malapit na kakainan dahil OMG gutom na gutom na kami. Ang lakas ng loob ni Philip na maglakad lakad kahit hindi naman siya tiga Cebu. Siguro feel lang niya na safe don. Ang haba ng nilakad namin, umuulan, gutom at uhaw na kami. Halos 1hour siguro kaming palakad lakad, plano namin na magtaxi na lang tas magpadaan na lang para mag drive-thru pero grabe walang kaming makuhang taxi. Sa inip namin naglakad lakad na lang ulit kami and thank God may Jollibee na bukas pa rin. At makakakain na kami sa wakas 10:00pm na. Dumaan na rin kami sa Rose Pharmacy para makabili ng water and thank God mabilis kaming nakakuha ng taxi. Medyo naligaw ulit papuntang hotel pero buti na lang matyaga si manong driver ng taxi kaya ayun nakarating din. Nakapag pahinga din sa wakas, nilipat na nila gamit namin sa talagang room namin. Infairness, maganda din yung room, the best and highly recommended talaga yung hotel.
Sure akong babalik kami ni boyfriend sa Bohol with friends na, at hindi lang day tour para makapag beach din kami. :-)
Tired and sleepy head but it's all worth it. The best ang day tour sa BOHOL! LOVE IT!! SO HAPPY :-)

Dahil nagtitipid kami, expenses of the day (for two):
Description
|
Amount
|
Taxi + Tip to Pier 1
|
120.00
|
MV Starcraft to
|
440.00
|
Terminal Fee
|
20.00
|
Entrance Fee (
|
60.00
|
Donation (Tarsier)
|
20.00
|
Entrance Fee (Chocolate Hills)
|
100.00
|
(3) Pictures (Chocolate Hills)
|
300.00
|
Entrance Fee (Ship Haus)
|
60.00
|
Tip (Ship Haus)
|
50.00
|
(1) Picture (Ship Haus)
|
50.00
|
Entrance Fee (
|
40.00
|
Lunch + Entrance Fee (Loboc)
|
800.00
|
Entrance + Donation (
|
80.00
|
Entrance Fee (Xzootic Animals)
|
40.00
|
Donation (Python Snake)
|
20.00
|
Entrance Fee (
|
100.00
|
Souvenir (T-Shirt)
|
610.00
|
Entrance Fee + Parking Fee (
|
45.00
|
Mineral Water
|
25.00
|
Car Rental
|
2,500.00
|
Tip to Mang Roger
|
200.00
|
MV Starcraft to
|
450.00
|
Terminal Fee
|
20.00
|
Dinner (Jollibee)
|
158.00
|
Mineral Water
|
43.00
|
Taxi to Hotel
|
120.00
|
Total Expenses –
Day 2
|
6,471.00
|
TIP:
Para sa mga gustong mag mag rent ng car or van you may contact Mang Roger at 09358494039. Mas ok ng magrent kayo ng car dahil OMG magkakalayo ang attractions sa BOHOL.